Ano nga ba ang pagkakaiba ng Linear Income sa Residual Income or yung tinatawag nilang Passive Income.

Sa aking pagbabasa at sa mga example na nakuha ko sa ibat-ibang opinyon ng tao at ng mga beteranong negosyante, entrepreneurs, network marketers, ito ang ilan sa mga nakalap ko na impormasyon:
Linear Income:
- fixed o buwanang sahod na pinirmahan mong kontrata sa isang kompanya. Kung 2 years ka naka-kontrata sa kompanya, yun lang ang sasahurin mo kada buwan ayon sa inyong napagusapan. Maaring madagdagan ang sahod mo kung doble effort ka para ikaw ay mapromote or doble/dagdag oras ka sa trabaho para mabayaran effort mo as overtime pay. Meron din kompanya na kapag hindi ka pumasok wala ka din bayad (no work/no pay). Ito ang tinatawag na “Rat Race”.

At isa pang halimbawa ng "Linear Income" ay:
Self-Employed tulad ng Doktor o Abogado, Teacher and other Professionals.
- kapag wala pasyente o kliyente wala din kita, kapag nagkasakit hindi din makakapag-trabaho so paano ka kikita.
Residual Income:
- Ito yung kinikita mo mula sa mga investment mo na hindi na ikaw mismo ang ngtratrabaho para sa pera mo, kundi yung perang invest mo ang nagtratrabaho para sayo.
Isang halimbawa nito ay tulad ang mga kilalang mayayaman at malalaking negosyante sa Pilipinas , mga Stock Holder or Shareholder na individuals, mga may-ari ng Real Estate, Telecommunication Company... etc...
Naginvest sila ng mga establishments, naghire ng mga tao para magtrabaho sa kanila, so kahit hindi sila nagtratrabaho, tuloy tuloy pa din ang pasok ng pera sa kanila kahit sila ay natutulog o nagbabaksyon kasama ng pamilya nila.Isa pang halimbawa nito ay ang Network Marketing or Online Business. Mga Networking Investors na nagpro-promote ng services and products online na gumagamit ng internet to sell their products. Sila yung mga Online Auction and Online Shopping website Tulad ng kilalang Amazon, E-bay, Sulit/OLX at Ayosdito (Buy & Sell websites).